Sisig Hooray Real Review + Menu

April 08, 2025

Sisig Hooray is possibly one of the best sisig restaurants in the Philippines and here's my review of it.

May panahon dati na pag sinabing masarap at affordable na sisig sa mall, ang una agad na papasok sa isip ko ay Sisig Hooray. I think around 2010 nung first time ko ito matikman sa foodcourt ng SM Megamall & talaga naman tumatak sa isip ko ang Sisig Hooray.

Sisig Hooray Real Review + Menu

For years, sobrang fan ako ng Sisig Hooray. Aside from pork sisig, gustong gusto ko rin yung squid sisig (discontinued na itong variant na to for quite some time now).

Anyway, going back to pork sisig, sobrang satisfying ang Sisig Hooray pag may sisig cravings ako. Malasa, malutong, maalat-alat, masarap with egg, laging bitin sa kanin (kasi nga ang sarap nya i-ulam sa rice).

Default order ko ang Sisig Hooray sa mga food court ng SM pag wala ako maisip na kainin. Actually, up until last year, ok pa ang Sisig Hooray & marami ang serving size.

However, just a few weeks ago, nag-order ulit ako sa Sisig Hooray sa SM City Fairview food court & medyo disapppointed ako sa size. Medyo may nagbago rin sa lasa nya, pero di naman ganun ka-obvious.

Sabi ko na lang na hindi na ito ang Sisig Hooray na kilala ko. Nanghinayang lang ako kasi nabawasan na yung pagpipilian ko ng pagkain na talagang nasasarapan ako. Tapos medyo mahal na rin. Hindi ko alam kung bad day ba nila that time (sana nga bad day lang) pero I’m hoping na makabawi pa rin sila eventually.

In terms of their menu, syempre sisig lang naman talaga ang specialty nila. Aside from Pork Sisig, meron din silang Chicken Sisig, Bangus Sisig, and Smokey Steak Sisig. What makes Sisig Hooray’s food delicious? I would guess ito yung balance ng flavors coming from chili, calamansi juice, liver, red onions, pork cracklings toppings, and Sisig Hooray’s very own secret sauce. Super satisfying talaga.

In terms of Sisig Hooray’s outlets, mostly located sila sa mga food courts ng mga malls around Metro Manila, sa Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas, and Mindanao.

Similar stories:

This post may contain affiliate links, including those from Amazon Associates, which means that if you book or purchase anything through one of those links, we may earn a small commission but at no extra cost to you. All opinions are ours and we only promote products that we use.

Leave A Reply

Feel free to share your thoughts! Relevant comments are welcome on this site. However, spam and promotional comments will not be published.


Post a Comment




X
X