Tara Sa San Antonio, Nueva Ecija!
![]() |
The San Antonio Abad Parish Church (photo is owned by Rednax Ela) |
Ano eka? Tara na! San eka? Tara sa San Antonio, Nueva Ecija!
Halika at sama-sama nating tuklasin ang simpleng bayan ng San Antonio sa Nueva Ecija. Libutin natin ang mga tourist spots, alamin ang mga makasaysayang mga pangyayari, ang mga antigong bahay na naging bahagi na naging saksi sa pang araw-araw na buhay sa San Antonio, tuklasin ang kasaysayn ng mga lumang palatandaan (alam nyo pa ba ang posong tumutulo?), atin ding panatilihing buhay ang mga kwentong bayan, at tikman natin ang mga masasarap na pagkain sa payak na lugar na ito. At kung may pagkakataon, ikutin na rin natin ang probinsya ng Nueva Ecija!